Noong pinanganak tayo sa mundong ito, kailan ba tayo unang nag-isip? Noong lumabas ba tayo sa sinapupunan may iniisip na ba tayo nyun? Kung mayroon man bakit hindi natin matandaan, siguro dahil lahat ng ginagawa natin noong sanggol pa tayo ay nakakahiya, tulad nalang ng pagiging iyakin na halos mainis yung mga magulang natin para lang mapatahan tayo o kaya yung oras-oras na pagpapalit ng lampin natin. Ganito lang ba talaga gumagana ang buhay? Kapag hindi mo na kailangan ang bagay sadyang kinakalimutan mo nalang ito na parang walang nangyari? Libo-libong tanong ang naglalaro sa isip natin, papaano ba natin ito masasagot? Sapat na ba ang tagal ng buhay ng tao para masagot ang mga katanungan na ito?
Sa bawat hakbang natin sa pagtanda, paiba-iba ang nagiging lebel ng ating pag-iisip. Mayroon isang pagkakataon noong bata tayo na nagtataka ang bawat isa satin kung bakit ang liliit natin kumpara sa mga magulang natin? kung bakit hindi tayo pinapayagan gawin ang mga gusto natin gawin? at kung paano ba tayo talaga ginawa? Pagtungtong natin sa eskwelahan lalo lang nadagdagan ang mga iniisip natin dito sa mundo, tulad nalang ng mga sumusunod:
Preschool: Iniisip natin kung bakit tayo kailangan iwanan ng mga magulang natin sa eskwela.
Grade School
Grade 1 – 3: Tuwing nasa eskwela tayo iniisip natin kung bakit ang sungit-sungit at sadyang nakakatakot ang mga titser natin, kung bakit ang hirap ng math at tsaka ang sarap magyabang sa mga klasmeyt kapag may bagong bili kang gamit o kaya laruan?
Grade 4 – 6: Iniisip padin natin bakit masungit ang mga titser, mga nagtatambakang projects, kung sino sa kaklase natin ang magiging representative sa United Nation Month, at syempre hindi nawawala ang pagkahirap-hirap na mathematics.
High School
Freshmen Year: Naiisip na natin magkacrush sa opposite sex (although merong iba sa same sex nagkakacrush) at eventually nanliligaw/naliligawan nadin tayo.
Sophomore Year: Sadyang masakit sa utak kabisaduhin ang Florante at Laura, kaso nakakahiya din na isipin na wala kang marerecite sa klase. Dito din natin sinisimulan na magisip ng parang matanda.
Junior Year: Naku! Geometry? Chemistry? (isa sa mga pilit nating kinakalimutan na subject). Unang Prom Night, kung saan iniisip natin mabuti kung anu ang susuutin, sino ang yayayain at ano kaya ang masasarap na putaheng nakahanda (nagtataka din tayo kung bakit may mga kaklase tayong ang kakapal magmake-up at madami mag gel na kung titingnan mo parang libing niya na nung gabing iyon).
Senior Year: Dito na tayo nagiisip ng medyo mature na ang dating. Medyo madugo nadin ang mga subject sa year na ito kumpara sa Junior year. Pero ang pinaka-importante sa lahat dito na natin iniisip kung ano ang balak natin kunin sa kolehiyo pagkagraduate na magtatakda sa kinabukasan natin.
College Life: Isa sa mga climax ng buhay natin kung saan binabago na natin lahat ang pag-iisip natin sa mga bagay-bagay, nagdedesisyon nadin tayo ayon sa pananaw natin at iniisip na natin ang magiging buhay natin sa hinaharap. Dito na natin minamahal ng buong-buo ang lahat ng mahalaga satin. Tulad nga ng sabi nila eto ang “Turning Point” ng buhay, kung ano man ang hakbang na gagawin mo sa stage na ito ay siguradong makakaapekto sa succeeding years ng buhay mo.
Hanggang dito palang ang narereach ko sa buhay ko, hindi ko pa kayang ikwento ang mangyayari sakin pagkagraduate ko, pero naglalaro na sa aking isip ang mga maaaring mangyari sakin sa hinaharap. Sadyang mapaglaro talaga ang buhay, hindi mo alam ang pwedeng mangyari sa susunod na kabanata ng buhay mo, parang libro, habang hindi mo nababasa ang susunod na chapter, hindi mo din malalaman kung ano ang mayroon doon. Ikaw na nagbabasa ngayon nito, hindi mo ba naiisip ang kinabukasan mo? kung hindi, kailan mo pa balak? Ang nais ko lamang iparating ay hindi pa huli para mapalawak ang pag-iisip nating lahat, habang nabubuhay tayo subukan na natin ipunin lahat ng ideya na kaya nating dalhin, eto lang ang magiging gabay natin para sa magandang kinabukasan.
“Your life right now is a reflection of your past thoughts. That includes all the great things, and all the things you consider not so great. Since you attract to you what you think about most, it is easy to see what your dominant thoughts have been on every subject of your life, because that is what you have experienced.”
-Rhonda Byrne
No comments:
Post a Comment