March 26, 2010, tinawagan ako ng Tita ko sa Canada at sinabing kukunin niya ako at pag-aaralin niya ako doon. Nung una ay natuwa ako dahil naisip kong mas mapapaganda nga naman ang buhay ko doon, at mas maraming oppurtunity ang naghihintay doon kumpara dito sa Pilipinas. Pero pagkatapos ng tuwang iyon ay napa-isip ako ng ilang saglit, naisip ko... "Pano naman si Jomel? (ang boyfriend ko.. at lalaking pinakamamahal ko). March 27, 2010, sinubukan kong sabihin sa kanya ang tungkol dito, tinanong ko siya kung makakaya ba niyang hindi ako makita sa loob ng isang taon, At ang naging sagot niya ay hindi daw niya kaya, at baka 6 months pa lang ay di na niya kayanin.
kanina, March 29, 2010, sinubukan ko ulit i-open ang topic na yun kaso naiyak siya, nakita kung papaano siya nasaktan at lumuha nang binanggit ko sakanya ang tunkol sa bagay na iyon, kaya nag promise na lang ako sa kanya na hindi na ako aalis, hindi na aq pupunta sa Canada o Europe man. At lalo akong nalulungkot pag nakikita ko siyang malungkot dahil sa balak kong pag-alis.
Isa pang problema ay pakiramdam ko kanina ay sinumbatan niya ako... sinabi niyang "Hindi mo pa nga ako nadadala sa bahay niyo tapos aalis kana!! "... yang mga salitang yan ay ang lalong nagpabigat sa nararamdaman ko. Alam mo ba yung pakiramdam na gusto mong umiyak pero pinipigil mo lang? diba npakasakit sa dibdib? napaka bigat sa nararamdaman. Ayokong umiyak sa harap niya.
Napaka-hirap mag desisyon, ngayong future at pag-ibig ang nakataya.
Mas mhirap pra xaken mg desisyon kxe future q ang nkasalalay... kxo ng promise na aq na ndi na aq 22loy... e pnu nman ung oppurtunity na naghihintay xaken???
No comments:
Post a Comment