Welcome to my blog.:) Before anything else please follow these rules : No ripping, spamming, and any type of childish acts. Respect is a must. Enjoy your stay and have fun! PS, comments are appreciated :> |M|I|C|H|E|L|L|E SIMPLE:),i was born an original. i wont die a copy. i dont mind if you dont want me as me. there are those who love every bit of it . :>
My Almost - Perfect Life
Friday, May 4, 2012
Balang Araw..
Bawat kabanata may kanya kanyang kirot?
Masakit? Sino ba ang hindi nasasaktan?
Namatay ka ba? Hindi naman..
Kaya mag isip ka.. kahit masakit basta hindi nakakamatay
Magiging okey ka..
Isang buntong hininga..
Isang taimtim na panalangin..
Pagluluksa…
Pagpapalaya..
Pagpapatawad…
Lalo na sa sarili mo..
Gaya nang lagi mong naririnig…
May bukas pa..
Lahat ng masasakit na pangyayari na nararanasan mo ngayon
magiging kwento nalang yan balang araw..
Sunday, February 19, 2012
Hindi Madaling ma- In Love...
Hindi talaga. Kahit pa sabihing nagmamahal ka ng taong mahal na mahal ka din, mahirap pa din ito. Walang perpektong relasyon. Walang perpektong pagmamahalan. Paano na kaya yung mga taong inlove sa may mahal na iba? O kaya naman ay inlove sa taong ayaw sa kanila? Diba, mas mahirap yun. Kahit saang banda, walang madali na pagmamahal. Lahat yan ay may pagsubok. Lahat yan ay dadaan sa matitinding hirap.
Kadalasan, may mga nagiging dahilan kung bakit nagiging mahirap ang pag ibig. Maaaring iyon ay nasa kalagayan ng,
- Secret On. Kayo nga, pero parang buong mundo naman ang humahadlang sa inyo. Napaka limitado ng oras ng pagsasama niyo at napakahirap gawing normal ng relasyon niyo.
- Bestfriends. Mahal niyo nga ang isa’t isa pero pareho kayong takot na tapusin iyon dahil sa inyong pagkakaibigan. Masyado kayong nasanay na lagi kayong magkasama pero bilang matalik na kaibigan lamang.
- M.U. Nag aminan kayo ng nararamdaman niyo pero walang kasiguraduhan. Walang commitment. Parang kayo pero hindi naman talaga kayo. Wala kang karapatang masaktan dahil wala naman sayo ang titulong boyfriend o girlfriend.
- Friendzone. Tipikal at uso sa panahon ngayon. Kapag nasa ganito ka, wala ka ng kawala. Parang wala ka na talagang pag asa dahil ito ang pinili ng taong mahal mo. Hindi ka makakatanggi dahil ayaw mo siyang masaktan.
- It’s complicated. Ayaw sayo ng taong mahal mo, may mahal siyang iba, dalawa ang mahal mo o di kaya naman ay marami pang hindi pwede. Kung ano pa ang maiisip niyo na komplikado, dito pumapasok ang lahat ng iyon. Naiinlove ka sa paraang maraming masasaktan.
Masasabi mo pa bang madaling mainlove? Darating talaga sa punto na marami kang pagdaraanan na sakit at hirap. Dadaan ka sa butas ng karayom. Kapag nalampasan mo ito, garantisado ang kaligayahan kapiling ng taong nakalaan para sayo.